 |
Step by Step Tagalog Tutorial on How to Pay Your Meralco Bill Online Using GCash 2020 |
Nais mo bang magbayad ng iyong Meralco bill online gamit ang GCash ngunit hindi mo alam kung papaano? Sundin lamang ang mga sumusunod na steps.
Kung wala ka pang GCash ay maaari mong i-click ito para mag-register: GCash Referral Link.
Step 1. Buksan ang iyong GCash App.
 |
GCash App |
Step 2. I-check kung sapat ang balance sa iyong account para sa iyong bill na babayaran. I-click ang Pay Bills icon.
 |
Paano Magbayad ng Meralco Gamit ang GCash App |
Step 3. Sa ilalim ng Biller Categories, hanapin at pindutin ang Electric Utilities icon. Pagkatapos nito ay lalabas ang listahan ng mga biller ng kuryente.
 |
Paano Magbayad ng Meralco Gamit ang GCash App
|
|
Step 4. Mag-scroll down hanggang sa makita ninyo ang Meralco. Maaaring pindutin ang puso sa tabi ng pangalan ng biller para madaling mahanap ito sa susunod na pagbabayad.
 |
Paano Magbayad ng Meralco Gamit ang GCash App
|
|
Step 5. Matapos mapindot ang Meralco, dadalhin ka nito sa page kung saan mo ilalagay ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa iyong bill. Kakailanganin mo ang iyong Meralco Account Number at total amount na iyong babayaran.
Piliin ang Total Current Amount sa 'Pay For.' Maaari mo ring ilagay ang iyong email address kung gusto mo ring matanggap ang kompirmasyon ng iyong pagbabayad sa iyong email. Pagkatatapos mailagay ang detalye ng iyong bill. I-click ang Next.
*outdated photo below (hindi na po kailangan ang MRN)
 |
Paano Magbayad ng Meralco Gamit ang GCash App
|
|
Step 6. Para sa huling step pagkatapos magfill-up, siguraduhing tama ang nilagay mong impormasyon. Pagkatapos i-check ang mga detalye na iyong ibinigay, maaari mo nang pindutin ang Confirm.
 |
Paano Magbayad ng Meralco Gamit ang GCash App
|
|
Matapos nito ay makikita mo na sa iyong phone screen ang payment confirmation na nagkukompirma na natanggap na ang iyong bayad. Maaari mo itong i-save sa iyong cellphone bilang litrato sa pamamagitan ng pag-tap sa arrow icon sa kanang taas na bahagi ng iyong screen. Pagkatapos nito ay makakatanggap ka rin nang text message mula sa GCash bilang kompirmasyon na natanggap na ang iyong bayad at ito ay ipinuproseso na. Maaring magtagal ng hindi hihigit sa 24 oras ang pagproseso ng Meralco ng iyong bayad ngunit huwag magalala ito ay natanggap na at hindi magtatagal ay magre-reflect na ito sa iyong Meralco account.
 |
Paano Magbayad ng Meralco Gamit ang GCash App
|
|
Ganon lang kadali! Nabayaran mo na ang iyong bill ng kuryente sa pamamagitan lamang ng iyong cellphone. Maaaring i-check realtime ang iyong balance sa Meralco app o sa website ng Meralco. Para sa iba pang katanungan maaari mong kontakin ang GCash at tumawag sa 2882 o mag e-mail sa support@gcash.com .
Paalala: Ang GCash ay hindi na tumatanggap ng inquiries at nagbibigay ng support gamit ang messenger. Huwag ibigay ang iyong MPIN sa sino mang nagpapakilalang GCash sa messenger o saan man sa internet.
Comments
Post a Comment