I Just Won A Free CareHealth Insurance? Is This a Scam?
It wasn't a long time since nakatanggap ako ng sunod sunod na tawag mula sa sinasabing CareHealth International. At everytime sasabihin nilang nanalo daw ako ng FREE HEALTH INSURANCE. Wala daw ako kailangan gawin kundi pumunta sa branch nila sa San Pablo at pirmahan yung papers. Sound so easy at matutuwa ka dahil sino ba naman ang ayaw ng libre. Pipilitin ka talaga nila para magpunta sa branch nila. Pero ang nakakaalarma ay ang dahilan nila kung paano ka napili eh hindi ka naman sumasali sa kung ano mang pakulo para manalo ng insurance.
Tatanungin ka ng ahente sa telepono (which always has a generic name like "Ana Santos" or "Liza Reyes" ) kung meron kang bdo or bpi or whatever bank they would recite tapos kapag umoo ka ay sasabihin nila na nanalo ka dahil affiliated daw sila sa bank na 'yon at doon daw sila namili sa listahan ng mga customers ng banko. This is the most alarming part. Paano naman nila makukuha ang information mo galing sa bangko eh 'di ba bawal yun? It is nearly impossible for a bank to release a custumer information. At nang sabihin ko ito sa ahante at alam nyang may point ako eh dun na niya binaba ang telepono. Sinong matinong kompanya ang magbababa ng telepono sa mga consumers? Nagtrabaho ako dati sa BPO kaya alam kong hindi ka basta-basta makakapagbaba ng telepono sa gitna ng tawag. Isa lamang itong malaking senyales na ito'y isang malaking panggagantso. Naalala ko pa nga nang isinearch ko ang tungkol sa kumpanya ay may nabasa akong review kung saan nagpunta raw siya at nang nakapirma na siya ay dun na lamang niya nalaman na may babayaran pala siya buwan buwan para sa insurance na natanggap niya.
At ang malupit pa dito, tatawag silang muli ilang araw pagkatapos at sasabihing nanalo ako ulit na parang walang nangyari at hindi pa ako natawagan dati. Isang malaking paano? Kaya magingat po tayo sa mga tawag na natatanggap natin na nagsasabing nanalo daw tayo nang ganito ganiyan lalo na't wala naman tayong sinasalihan. Marapat na ating alamin muna kung legit ba o hindi ang mga offer bago tayo umoo at magpunta sa lugar na sinasabi sa tawag.

Comments
Post a Comment